SBMA-Harbour talk madidiskaril

MANILA, Philippines - Tila mabibigo ang pi­nag-uusapang kasunduan ng Subic Bay Metropolitan Authority at ng Harbour Centre.

Nakatakdang magha­rap ng kasong kriminal ang cargo operating firms, may hawak ng long-time lease contracts, upang mag-operate sa Subic ports, laban sa SBMA at sa private sector partner nito, ang non-Subic operator Harbour Centre Port Terminal, Inc. dahil sa pagsasabwatan umano na selyuhan ang isang joint venture deal na magtatanggal sa mga Subic locators at sa kabu­hayan ng kanilang mga empleyado.

Nilagdaan noong naka­raang buwan, ang kontrata ay nagkakaloob sa HCPTI ng karapatang maging eksklusibong cargo handler ng bulk, break-bulk at general cargo ng SBMA sa loob ng 25 taon. Mako­kontrol nito ang Subic ports na makapipinsala sa mga Freeport locators at cargo handlers.

Sa isang miting sa SBMA Board noong Bi­yer­nes, kinumpirma ng Subic firms, sa pamama­gitan ng kanilang kinatawan, si Atty. Eulalio Ventura, na nag­handa sila ng criminal com­­plaints kaugnay sa SBMA-HCPTI contract.

Show comments