SBMA-Harbour talk madidiskaril
MANILA, Philippines - Tila mabibigo ang pinag-uusapang kasunduan ng Subic Bay Metropolitan Authority at ng Harbour Centre.
Nakatakdang magharap ng kasong kriminal ang cargo operating firms, may hawak ng long-time lease contracts, upang mag-operate sa Subic ports, laban sa SBMA at sa private sector partner nito, ang non-Subic operator Harbour Centre Port Terminal, Inc. dahil sa pagsasabwatan umano na selyuhan ang isang joint venture deal na magtatanggal sa mga Subic locators at sa kabuhayan ng kanilang mga empleyado.
Nilagdaan noong nakaraang buwan, ang kontrata ay nagkakaloob sa HCPTI ng karapatang maging eksklusibong cargo handler ng bulk, break-bulk at general cargo ng SBMA sa loob ng 25 taon. Makokontrol nito ang Subic ports na makapipinsala sa mga Freeport locators at cargo handlers.
Sa isang miting sa SBMA Board noong Biyernes, kinumpirma ng Subic firms, sa pamamagitan ng kanilang kinatawan, si Atty. Eulalio Ventura, na naghanda sila ng criminal complaints kaugnay sa SBMA-HCPTI contract.
- Latest
- Trending