^

Bansa

NAIA executives kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Isang hepe ng Airport Emergency Operations Center ang kinasuhan ng dalawang miyembro ng Philippine National Police-Aviation Security Group at isang miyembro ng Civil Aviation Security Bureau-Office for Transportation Security.

Ayon sa ulat, paglabag sa Revised Penal Code ang isinampa sa Pasay City Prosecutor’s Office ni Joselette Ramos, ng CASB OTS laban kay Airport Police Capt. Manuel Wong, hepe ng EOC.

Sa Ombudsman na­man nag-file ng kaso laban kay Wong at Cpl. Jesus Balantac sina PO1 Ray­mund Buenaobra at PO1 Ulysses Tamayo.

Sinabi ni Ramos na isang Security Screening Officer sa Departure Area ng NAIA Terminal 1 na ipina­tawag siya ng Administrative Officer ng CASB OTS dahil sa report ni Wong na nag-aakusa sa kanya ng pag-escort sa hinihinalang tourist worker noong Disyembre 26, 2009.

Pinabulaanan ni Ramos ang akusayon dahil ang tinutukoy na suspected tourist worker ay pamangkin ng una na na-off load ng Sin­gapore Airlines dahil may problema ang passport.

Dahil sa maling akusas­yon ni Wong, nalagay sa kahihiyan si Ramos at nasira ang kanyang repu­tasyon na nakaapekto sa kanyang trabaho. Idinag­dag pa ni Ramos na sa loob ng 15 taong panu­nung­kulan ay wala siyang nilabag na alituntunin ng MIAA.

Ibinase naman nina PO1 Buenaobra at PO1 Tamayo ang pagsasampa ng kaso laban kay Wong at Balantac dahil sa malis­yosong report ni Balantac na inakusahan ang dala­wang pulis ng pag-eescort ng apat na hini­hinalang tourtist worker na patu­ngong Singapore .

Ang mga lara­wan na ini-attach ni Ba­lantac sa kanyang report kay Wong ay hindi anila sapat na ebidensiya upang sila ay akusahang nag-e-escort. (Butch Quejada)

ADMINISTRATIVE OFFICER

AIRPORT EMERGENCY OPERATIONS CENTER

AIRPORT POLICE CAPT

BALANTAC

BUENAOBRA

BUTCH QUEJADA

CIVIL AVIATION SECURITY BUREAU-OFFICE

DEPARTURE AREA

RAMOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with