MANILA, Philippines - Ayaw na ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na makapasok sa Maynila ang mga provincial buses epektibo Abril 1.
Sinabi ni LTFRB Chairman Alberto Suansing, ang hakbang ay bilang suporta niya sa hakbang ni Manila Mayor Alfredo Lim na huwag papasukin ang provincial buses sa Maynila dahil nagdaragdag ito ng pagtindi ng daloy ng trapiko sa lunsod.
Ani Suansing, inutos na niya sa mga tauhan na rerebisahin ang franchise ng mga provincial buses hindi lamang sa Maynila kundi sa buong Metro Manila upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila.
Binigyang diin nito na kanyang aamyendahan ang ruta ng mga provincial buses upang hindi na makapasok ang mga ito sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)