^

Bansa

PMA Alumni association lumagda para sa malinis at tahimik na halalan

-

MANILA, Philippines - Isang resolusyon ang ipinasa ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. na may 8,000 miyembro upang suportahan ang pagdaraos ng malinis, maayos at tahimik na eleksiyon sa Mayo 10, 2010.

Ayon sa nilagdaang manifesto ng mga opisyal ng PMAAAI, alam nila ang kahalagahan ng darating na halalan kaya’t nagka­sundo sila na magkaroon ng nagkakaisang ‘stand” para masiguradong malinis at credible ang magiging resulta ng eleksiyon.

Ang kasalukuyang chairman ng PMAAAI ay si Senator  Rodolfo  Biazon.

Ayon kay Biazon sa ngayon ay umaabot na sa 8,000 ang kanilang mga miyembro.

Nilagdaan din ang na­sabing resolusyon ni Cavalier Edgardo Rene Sa­monte ng PMA Class 81  at ni CAV. Philip Cacayan  ng Class ’81. Kabilang si Biazon sa Class ’61.

Sa kahiwalay na manifesto na nilagdaan nina Biazon, Samonte at iba pang matataas na opisyal ng PMAAAI, hiniling ng mga ito sa kanilang mga miyembro na itaguyod ang prinsipyo ng kanilang Alma Mater.

Ang nasabing resolus­yon ay nakatakdang isu­mite ng grupo kay  AFP Chief Gen. Delfin Bangit at kay Philippine National Police Director General Jesus Verzosa. (Malou Escudero)

ALMA MATER

AYON

BIAZON

CAVALIER EDGARDO RENE SA

CHIEF GEN

DELFIN BANGIT

GENERAL JESUS VERZOSA

MALOU ESCUDERO

PHILIP CACAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with