^

Bansa

Tuyo simbolo ng kahirapan - AGAP

-

MANILA, Philippines - Kumain ng tuyo, kamatis, sibuyas at itlog ang mga magsasaka sa pangunguna ni Agricultural Sector Alliance of the Philippine (AGAP) Partylist Representative Nicanor Briones sa ginanap na “boodle fight” kahapon sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Rep. Briones, ang pagkain nila ng tuyo ay sumisimbulo umano ng pagpapakita nila ng kahirapan ng buhay ngayon ng mga magsasakang hinahagupit ng matinding tagtuyot ang kanilang mga tanimang mais, palay, gulay, sibuyas, kamatis at iba pang Agricultural products na sinira ng El Niño.

Ayon kay Briones, dapat ay direkta ng tulungan ng gobyerno ang mga apektadong magsasaka tulad ng pagbibigay ng alternatibong trabaho o kaya’y puhunan para hindi tuluyang magutom ang pamilya ng libo-libong magsasaka sa bansa na tinamaan ng hagupit ng El Niño.

Anang AGAP Partylist, sa ngayon ay kumikilos na ang Department of Agriculture (DA) ngunit hindi umano ito sapat, kaya siya nananawagan sa pamahalaan na dagdagan pa ang tulong na ibibigay sa mga magsasaka. (Mer Layson)

vuukle comment

AGRICULTURAL SECTOR ALLIANCE OF THE PHILIPPINE

ANANG

AYON

BRIONES

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EL NI

INTRAMUROS

KUMAIN

MER LAYSON

PARTYLIST REPRESENTATIVE NICANOR BRIONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with