Villar, Roxas nanguna

MANILA, Philippines - Nanguna sina Senador Manny Villar ng Nacionalista Party at Mar Roxas ng Liberal Party sa ikatlo at huling bahagi ng UP Alpha Sigma Fraternity’s Boto ng Iskolar ng Bayan UP Mock Election Series 2009-2010.

Si Villar ay nakabuslo ng botong 2,866 votes o 33 percent ng kabuuang total cast votes ng may 8,468 students mula sa 25 colleges sa UP Diliman na pinakamalaki sa kasalukuyang mock polls na ginawa sa campus. Ang university ay may kabuuang 22,597 students sa Diliman campus.

Tinanong sa mock polls ang ganito: “If elections were held today, who would you vote for president and vice president?” Si Villar ay alumnus of UP Diliman, mula sa College of Business Administration kung saan siya nagtapos ng kanyang bachelor at master’s degree.

Sa unang bahagi ng Mock Elections noong September 2009, si Villar ay pumangalawa at pumangatlo sa ikatlong bahagi noong December 2009.

Ang final mock elections ay ginawa mula March 2 to 16.

Sa karera sa Vice President, nanguna si Senador Mar Roxas na may malaking botong 2,918 (34.46 % ng kabuuang boto). Sumunod si dating MMDA Chairman Bayani Fernando na may 1,262 o 14.90%. Pumangatlo naman si Makati Mayor Jejomar Binay (907 boto, 10.71%) at sinundan ni Sen. Loren Legarda (673, 7.95%).

Ang 5,893 na sumali sa mock polls ay pawang mga registered voters, ayon sa organizers ng mock polls.

Sa isang press conference sa Quezon City kahapon, sinabi ni Marc Aguimatang, project head na hindi maaaring madaya ang naisagawang botohan dahilan sa ang bawat balota ay may student number at hindi maaaring magamit ng sinuman o hindi madodoble. (Angie dela Cruz)

Show comments