Killer ng Pinay sa Singa­pore nasakote

MANILA, Philippines - Naaresto na ng Singa­pore Police Force ang isang Indian national na hinihinalang responsable sa brutal na pagpatay sa isang 30 anyos na Pilipina sa natu­rang bansa noog nakalipas na linggo.

Sa ipinalabas na report ng SPF-Public Affairs Department, sinampahan ng kasong murder ang 34-an­yos na Indian national na hindi muna pinangalanan bunga ng pagpatay sa biktimang si Roselyn Reyes Pascua, 30. 

Ayon sa Singapore Police, si Pascua ay natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng inu­upahang kuwarto sa Peonny Mansion sa Bencoolen Street noong Marso 15. Dakong alas-3:55 ng madaling-araw nang ideklarang patay si Pascua ng mga rumespondeng paramedics ng nasabing araw.

Nadakip noong Marso 17 ang naturang Indian national sa bisinidad ng Kitchener Road sa Little India. (Ellen Fernando)

Show comments