Killer ng Pinay sa SingaÂpore nasakote
MANILA, Philippines - Naaresto na ng Singapore Police Force ang isang Indian national na hinihinalang responsable sa brutal na pagpatay sa isang 30 anyos na Pilipina sa naturang bansa noog nakalipas na linggo.
Sa ipinalabas na report ng SPF-Public Affairs Department, sinampahan ng kasong murder ang 34-anyos na Indian national na hindi muna pinangalanan bunga ng pagpatay sa biktimang si Roselyn Reyes Pascua, 30.
Ayon sa Singapore Police, si Pascua ay natagpuang tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng inuupahang kuwarto sa Peonny Mansion sa Bencoolen Street noong Marso 15. Dakong alas-3:55 ng madaling-araw nang ideklarang patay si Pascua ng mga rumespondeng paramedics ng nasabing araw.
Nadakip noong Marso 17 ang naturang Indian national sa bisinidad ng Kitchener Road sa Little India. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending