NTC kontra sa VOM TRO
MANILA, Philippines - Mariing tinututulan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang kahilingan ng Voice of Manila (VOM) sa Regional Trial Court, Branch 265 ng Pasig City sa ilalim ni Judge Danilo Buemio, na makapaghain ng Temporary Restraining Order (TRO).
Nais ng VOM na maipatigil ang pagpapatupad ng limang taon ng Memorandum Circular (MC) 06-08-2005 na naglalayong maibigay na sa iba ang iba pang natitirang frequency bands bilang pagkilala ng nasabing ahensiya sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng telecommunications networks at services na pumapabor sa Broadband Wireless Access (BWA) technology.
Ayon sa NTC, ang naturang petisyon ay walang basehan at hiniling ang agarang pagbasura dito dahil na din sa pagkukulang ng VOM na mahikayat ang iba pang telecommunications company na kasama sa usaping ito na siya ding naging dahilan upang maglabas ng MC.
Sinabi pa ng NTC na ang ibang kompanya na nabigyan ng frequency sa ilalim ng nasabing MC ay nakapagsimula nang maglagay sa iba’t ibang bahagi ng bansa ng kanilang multi-bilyong pisong halaga ng telecommunications infrastructure para sa kani-kanilang frequency.
Idinagdag pa ng NTC na ang patuloy na pagkontra sa pagpapatupad ng MC ay lubhang magdudulot ng negatibong epekto sa iba pang telecommunications companies at sa buong industriya sa kabuuan.
- Latest
- Trending