^

Bansa

Abogado ni Ampatuan may apela

-

MANILA, Philippines - Hiniling ng abogado ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan kay Justice Secretary Alberto Agran na muling suriin ang joint resolution na inaprubahan ng state prosecutors kung saan kasama ang kanyang kliyente sa kakasuhan para sa multiple murder.

Ayon kay Atty. Re­dem­berto Villanueva, inosente sa nabanggit na kaso si Gov. Zaldy Ampatuan dahil hindi ito kasama sa impor­ masyong isinumite ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) laban sa mahigit sa 100 indibidwal na dawit sa November 23, 2009 Ampatuan massacre.

Iginiit pa ng abogado na nasa Davao City ang kanyang kliyente ng ma­ganap ang insidente at imposible ang sinasabi ni Kenny Dalandag, na sina­sabing private armed group ni Gov. Andal Am­patuan Sr. na si Zaldy Am­ patuan ay nasa lugar kung saan pinagplanuhan ang krimen noong Nobyembre 22 sa compound ng Shariff Aguak, Maguindanao.

Mariing pinabulaanan ni Villanueva ang nasabing pahayag at sinabing nasa Juan Luna Subdivision sa Davao city ang Gober­nador simula Nobyembre 20-22 at lumipad patu­ngong Maynila ng Nob. 23 upang makipag-meeting sa Malacañang.

Kabilang naman sa mga inihaing ebidensiya ng abogado sa DOJ ang resibo mula sa telecommunications companies na nagpapakitang ang mga tawag ng gobernador ay ginawa sa Davao City sa oras na sinabi ni Dalandag na nasa Shariff Aguak si Zaldy Ampatuan.

Bukod dito mayroong din mga saksi na magpa­patu­nay na nasa Davao City ang gobernador ng maganap ang sinasabing meeting at wala ito sa Ma­guindanao. (Gemma Garcia)

vuukle comment

ANDAL AM

AUTONOMOUS REGION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DAVAO CITY

GEMMA GARCIA

JUAN LUNA SUBDIVISION

JUSTICE SECRETARY ALBERTO AGRAN

SHARIFF AGUAK

SHY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with