Sinakyang chopper ni Loren nag-emergency landing

LUCENA CITY, Philippines - Naka­ligtas sa tiyak na kapaha­makan si Vice-Presidential candidate Sen. Loren Le­garda at 3 kasamahan nito matapos mapilitan ang helicopter nitong mag-emergency landing dahil sa ‘zero visibility’ kahapon ng tanghali sa Sariaya town para sa isang political rally ng Nacionalista Party (NP).

Nagpapasalamat na­man si Sen. Loren sa ma­bilis na desisyon ng kan­yang piloto na huwag nang ituloy ang kanilang biyahe patungong Lucena.

Inamin ni Sen. Loren na ninerbyos siya habang hina­ham­pas ng malakas na hangin ang sinasakyan nilang helicopter kahapon. Kasama ni Legarda ang kanyang 2 staff at media­man na si Florante Rosa­les ng DZRH at ang piloto na si Capt. Joseph Espiritu at co-pilot nito.

Aniya, ito ang ikatlong pagkakataon na makara­nas siya ng emergency landing. (Rudy Andal)

Show comments