MANILA, Philippines - Sa gitna ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng bilihin, mabagal na pagtaas ng sahod ng uring manggagawa, paghina ng produksyon ng sektor ng agrikultura, sinabi ng nagbabalik na alkalde ng Maynila na si Jose “Lito” Atienza Jr. na edukasyon ang susi para malabanan ang kahirapan.
“Kapag may wastong edukasyon, higit na malaki ang pagkakataong umasenso ang bawat miyembro ng pamilya. Liliit ang tsansang may mga batang hindi matutustusan ang pag-aaral dahil mas malaki ang tsansang magkaroon ng maayos na trabaho kapag nakapag-aral ang mga magulang. At tiyak na ipamamana din nila ang edukasyon, sa paaralan at sa buhay, sa kanilang mga anak,” ani Atienza.
Ipinagmalaki ng dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na, noong siya ang alkalde ng Maynila, naalagaan ang mga pampublikong paaralan. “Bukod dito, tumulong tayo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon, at mga kagamitan sa eskwela gaya ng school bags, notebooks at maging sapatos.”