^

Bansa

NY Times nanindigan sa Luisita report

-

MANILA, Philippines - Nanindigan ang pahayagang New York Times na naka-tape ang inilathala nilang pahayag ng isang pinsan ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino na walang balak ang pamilya na bitiwan ang Hacienda Luisita na taliwas sa naunang pahayag ng presidential candidate ng Liberal Party.

Idiniin ni United Luisita Workers’ Union president Lito Bais na hindi maglalathala ang New York Times, na isa sa pinaka-malaki at respetadong dyaryo sa Amerika, ng hindi totoo sapagkat alam ng naturang pahayagan na maaari silang ihabla.

Pinaalala ni Bais na ini­hayag ni Aquino na handa silang ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka alinsunod sa Comprehensive Agrarian Reform Law ngunit ito ay sa 2014 pa o makaraan ang apat na taon.

Hinamon ni Bais si Aquino na humarap sila ng kaniyang pinsan kasama ng New York Times sa publiko at sabay-sabay na dinggin ang tape recording ng pahayag ng pinsan niya kung hindi nagsisinungaling ang presidential bet.  (Butch Quejada)

vuukle comment

AMERIKA

AQUINO

BENIGNO

BUTCH QUEJADA

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW

HACIENDA LUISITA

LIBERAL PARTY

LITO BAIS

NEW YORK TIMES

UNITED LUISITA WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with