Mindanao prayoridad ng Bangon
ZAMBOANGA CITY, Philippines – “Nais kong malaman ni’yo na nangunguna sa mga prayoridad ng partidong Bangon Pilipinas ang Mindanao. Ang pangarap namin para sa mapayapa at progresibong Mindanao ay suportado ng isang plataporma de gobyerno na hindi lang basta angkop sa pangangailangan ng ating mamamayan sa rehiyon kundi mahalaga rin sa kabuuang kaunlaran ng ating bansa.”
Ito ang inihayag ni Bangon Pilipinas standard bearer Bro. Eddie Villanueva nang magtalumpati siya sa harap ng libu-libo niyang tagasuporta sa Plaza Pershing sa lunsod na ito noong gabi ng Miyerkules.
Sabi ni Villanueva, kung mahahalal siya, makakamit ng mamamayan ng Mindanao ang nararapat para sa kanila pero hindi nila natatamasa.
Sinabi naman ni Bangon Pilipinas National Campaign Manager Atty. Lyndon Cana na kabilang sa plano nila ang pagpapatuloy ng prosesong pangkapayapaan sa Mindanao at paninindigan na hindi dapat magkahati-hati ang rehiyong ito. Ikokonsidera rin ang plebesito o constitutional convention para ipaubaya sa mamamayan ang desisyon kung pederalismo ang solusyon sa problema sa Mindanao.
- Latest
- Trending