Serbisyong medikal sa Parañaque dapat palakasin

MANILA, Philippines - Mahalagang bigyan na ng buong atensiyon ang pag­pa­pahusay ng serbis­yong medikal na ibinibigay ng pama­ha­ laang lokal ng Parañaque para sa mga residente nito.

Ito ang idiniin ni Para­ñaque City Congressman Eduardo “EDZA” Zialcita na nagsabing isa ito sa mga prayoridad niyang maisakatuparan base na rin sa kahilingan ng mara­ming residente sa lung­sod na nakukulangan pa sa serbisyong naku­kuha nila mula sa mga paga­mutan at health center.  

Ayon kay Zialcita, kung talagang malaki ang pondo ng lungsod at gu­maganda pang lalo ang koleksyon sa buwis ay marapat lamang na ma­ibalik ito sa mama­mayan sa pamamagitan ng mas mahusay na serbisyong medical. (Butch Quejada)

Show comments