Silver nitrate sa indelible ink, dadagdagan ng Comelec

MANILA, Philippines - Upang matiyak na isang beses lamang na makakaboto ang botante sa halalan sa Mayo, pinag-aaralan ngayon ng Commission on Elections na itaas ang content ng silver nitrate sa indelible ink.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, plano nilang dagdagan ng 20 porsiyento ang silver nitrate upang mas mapabuti ang indelible ink at upang maiwasan ang anumang flying voters sa May elections.

Sinabi ni Sarmiento na ang kasalukuyang indelible ink ay madaling mabura ng acetone kung kaya’t nagkakaroon ng flying voters.

Nabatid na kaunti lamang ang content na ito ng silver nitrate kumpara sa ibang bansa na tulad ng India na may 25 porsiyento ng nasabing kemikal.

Iniingatan din umano ng komisyon ang kuko ng mga botante na posibleng masira kung mas mataas pa ang content ng kemikal.

Idadaan din ito sa bidding committee upang matiyak na pasado sa regulasyon ng komisyon. (Doris Franche)

Show comments