^

Bansa

GMA pwedeng magtalaga ng Chief Justice - Supreme Court

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - May kapangyarihan si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magtalaga ng susunod na Punong Mahistrado kapalit ng magreretirong si Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno.

Sa ginanap na special en banc session kahapon ng SC at sa botong 9-1-2-3 buhat sa mga Mahistrado base sa isinulat na desisyon ni Associate Justice Lucas Bersamin, legal at naayon sa batas ang gagawing paghirang ni PGMA ng magiging kapalit ni Puno, kasabay ng pag-aatas sa Judicial and Bar Council (JBC) na magsumite ng shortlist bago dumating ang araw ng mababakanteng puwesto ni Puno sa Mayo 17.

Bukod dito, binibigyan din ng kapangyarihan ng SC si PGMA na magtalaga ng lahat ng mga mababakanteng posisyon sa Hudikatura hanggang sa huling araw ng pagbaba nito sa Hunyo 30.

Ayon sa SC, illegal ang anumang pagpapataw ng appointment ban sa Pangulo sa Hudikatura batay na rin sa naging deliberasyon ng 1986 Constitutional Commission.

Nangangahulugan na wala nang balakid si PGMA na magtalaga ng kanyang napupusuang CJ matapos na ibasura ang midnight appointments laban sa Pangulo.

Sinabi pa ng SC na ang Hudikatura ay isang hiwalay at independent na sangay ng pamahalaan kayat hindi ito maaring saklawin ng appointment ban.

Iginiit din nito na ang pwesto sa Hudikatura ay permanente kayat walang pagkakataon na dapat magkaroon ng acting justice o acting judge.

Pinayuhan din ng SC ang JBC na palagiang sundin ang umiiral na kapangyarihan ng Pangulo na mamili ng isang mahistrado sa loob ng 90-araw, na­nga­ngahulugan na dapat lamang magsumite ang JBC ng shortlist bago o sa mismong araw ng pagreretiro ng isang Mahistrado o Huwes.

Kabilang sa 9 na justice na kumatig sa kapangyarihan ng kasalukuyang pangulo na magtalaga ng susunod na Chief justice ay sina Associate Justice Lucas Bersamin, ang may-akda ng desisyon na sinang-ayunan nina Justices Teresita Leonardo de Castro, Martin Villarama, Roberto Abad, Jose Perez, Arturo Brion, Jose Mendoza, Mariano Del Castillo at Diosdado Peralta

Umalma naman sa de­sis­yon sina Associate Justice Conchita Carpio Morales na unang nanindigan na dapat ay ang susunod na pangulo ang magtalaga ng kapalit ni Chief Justice Puno.

Ipinababasura naman nina Associate Justices Presbitero Velasco at Antonio Eduardo Nachura ang mga petisyon dahil sa premature pang talakayin ang isyu lalo pa at wala pang nagaganap na aktuwal na kontrobersiya.

Nag-inhibit naman sa pagresolba sa usapin sina Chief Justice Puno, Antonio Carpio at Renato Corona.

Nilinaw ni Marquez na hindi na maaaring ipa­walang-bisa ng susunod na presidente ang itinala­gang chief justice ni Pangulong Arroyo.

ANTONIO CARPIO

ANTONIO EDUARDO NACHURA

ARTURO BRION

ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CARPIO MORALES

ASSOCIATE JUSTICE LUCAS BERSAMIN

ASSOCIATE JUSTICES PRESBITERO VELASCO

CHIEF JUSTICE PUNO

HUDIKATURA

JUSTICE

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with