^

Bansa

Gibo pumangalawa sa PPCRV survey

-

MANILA, Philippines - Tumalon na sa pangalawang pwesto si Gilberto “Gibo” Teodoro ng Lakas-Kampi-CMD at dumikit na kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party (LP) sa pinakahuling national survey na isinagawa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting para sa halalan sa Mayo 10.

Sa resulta ng survey ng PPCRV, nangunguna pa rin si Nacionalista Party presidential bet Manny Villar na nakakuha ng rating na 31%, mas mataas ng 3% mula sa 27%  noong Peb. 17 survey. Pumangalawa si Teodoro sa rating na 24%, di hamak na mas malaki ng 6% mula sa nauna niyang rating na 18%.

Si Aquino ay bumagsak ng 8 percentage points sa 20% na lamang mula sa naunang rating na 28%.  Sa kauna-unahang survey na isinagawa ng Campaigns & Images noong Disyembre 2009, ang rating ni Aquino ay 31%.

Si dating Pangulong Joseph Estrada ay nasa ika-apat na pwesto pa rin (13%), mas mataas nang 6 percentage points mula sa rating nyang 7% sa ikalawang survey.

Ang survey ay sa pakikipagtulungan sa Campaigns and Images Group, isang political research firm na nakabase sa Cebu City.

Sa ginawa nitong analysis ng resulta ng survey, sinabi ng Campaigns & Image na biglang umangat ang rating ni Gibo mula sa single-digit hanggang umabot nang 24% nitong Marso dahil na rin sa “political machinery ng administration party at pakikapagtulungan sa mga local government politicians na naghahangad ng re-election sa iba’t ibang mga pwesto.

Inaasahan pang aangat ang rating ni Gibo kapag nagsimula na ang campaign period para sa mga local officials sa Marso 27, kung saan talaga gagana ang political machinery sa local level para pumabor sa mga kandidatong nasyonal.   (Butch Quejada)

AQUINO

BUTCH QUEJADA

CAMPAIGNS AND IMAGES GROUP

CEBU CITY

GIBO

LIBERAL PARTY

MANNY VILLAR

MARSO

NACIONALISTA PARTY

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RATING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with