^

Bansa

Mag-ingat sa 'magic sugar' sa mga pampalamig - DOH

-

MANILA, Philippines - Bunsod ng matin­ding init ng panahon at pagsusulputan ng mga pampalamig na inumin at miryenda, pinag-iingat din ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa paggamit ng artificial o magic sugar.

Ayon kay Health Secretary Esperanza Cabral, posibleng tumataas ang demand sa magic or artificial sugar na ginagamit ng mga vendor dulot ng lumolobong presyo ng refined na asukal.

Ipinaliwanag ni Cabral na ang neotogen o “magic sugar” ay mas mura at mas matamis kumpara sa asukal na galing sa tubo at pinaniniwalaang ginagamit ng mga vendor na nagbebenta ng pampalamig.

Naniniwala ang kalihim na maraming vendor ang natutukso ngayong gumamit ng mga artificial na pampatamis na mas mura ang presyo ngunit maaaring magdulot ng karamdaman sa tao.

Sinabi pa ni Cabral na wala namang problema kung allowed na sweetener ang gagamitin subalit makakasama din sa katawan kung artificial o magic sugar ang gagamitin sa mga ibinebentang halo-halo at iba pang pampalamig.

Una nang sinabi ng kalihim na maaaring magtaglay ng mga bacteria ang mga halu-halo at inuming pampalamig kung hindi malinis ang preparasyon.

Hinikayat din ng kalihim ang local government units (LGUs) na tutukan ang mga nagbebenta ng halu-halo at mga samalamig para makatiyak na ligtas kainin ang kanilang mga paninda.

Matatandaang Agosto 2000 nang unang ipinagbawal ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) ang magic sugar matapos mapatunayang nakakakanser sa mga hayop. (Doris Franche)

AYON

BUNSOD

CABRAL

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

HEALTH SECRETARY ESPERANZA CABRAL

HINIKAYAT

IPINALIWANAG

MATATANDAANG AGOSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with