MANILA, Philippines - Tiniyak ni Lakas Kampi-CMD senatorial candidate Rey Langit na hindi hadlang sa kaniyang kampanya ang kakulangan ng pondo dahil ang puhunan niya ay ang 40 taon na pagbibigay ng serbisyo-publiko bilang isang “crusading journalist.”
Tiwala ang batikang brodkaster na makakapasok siya sa “Magic 12” bilang kandidato sa pagka-senador ngayong darating na halalan sa kabila ng pagiging baguhan sa larangan ng politika o opisyal ng pamahalaan.
Sinabi pa ni Langit na ang unti-unting pag-angat ng kaniyang puntos sa mga surveys sa kabila ng kakulangan ng adverstisement ay nangangahulugan lamang na ang mga botante ay naghahangad na ng mga bagong mukha sa pamahalaan.
“ I do not believe in money politics. I represent change and yet I have a solid track record of public service which gives me my political capital,” ayon kay Langit na ang tinutukoy ay ang kaniyang multi-awarded radio program na “ Kasangga Mo Ang Langit” at ang “Biyaheng Langit” na napapakinggan sa DWIZ bukod pa sa kaniyang programa sa telebisyon. Si Langit ay may 10 taon ng naglilingkod bilang station manager ng DWIZ. (Butch Quejada)