BUTUAN CITY, Philippines – Daan-daang kalahok ng “Dialogue Mindanaw” ang nagsabi na abot-kamay na ang kapayapaan sa Mindanao matapos dumalo sa Reflective Dialogues program ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) sa ilalim ni Secretary Annabelle Abaya sa St. Peter’s College sa Brgy. Ampayon dito.
Binubuo ng halos apat na raang indigenous peoples (IPs), ang mga dumalo ay napasabak sa malayang palitan ng opinion at pananaw na nagbigay linaw sa kanila ukol sa tunay na estado ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Para sa IPs, lubha nilang ikinasiya ang ginawa ng OPAPP dahil ito ang unang pagkakataon na kinonsulta sila ukol sa peace talks.
Ang “Dialogue Mindanaw” ay magtatapos sa Lunes (March 15) sa pagbisita sa Bongao, Tawi-Tawi.
Tiniyak din ni Abaya na ang resulta ng Reflective Dialogue ay isusumite sa peace panels ng pamahalaan at MILF na nagsasagawa ng peace negotiations sa Kuala Lumpur sa Malaysia.
Inilatag ni Dr. Ronald Adamat ang posisyon ng gobyerno sa peace talks habang si Dr. Gumba Poingan ang nagharap ng panig ng MILF.