^

Bansa

'Kapayapaan sa Mindanao abot-kamay na'

-

BUTUAN CITY, Philippines – Daan-daang kalahok ng “Dialogue Mindanaw” ang nagsabi na abot-kamay na ang kapayapaan sa Min­danao matapos dumalo sa Reflective Dialogues program ng Office of the Presidential Adviser on Peace Process (OPAPP) sa ilalim ni Secretary Annabelle Abaya sa St. Peter’s College sa Brgy. Ampayon dito.

Binubuo ng halos apat na raang indigenous peoples (IPs), ang mga dumalo ay napasabak sa malayang palitan ng opinion at pananaw na nag­bigay linaw sa kanila ukol sa tunay na estado ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Para sa IPs, lubha nilang ikinasiya ang gi­nawa ng OPAPP dahil ito ang unang pagkakataon na kinonsulta sila ukol sa peace talks.

Ang “Dialogue Min­danaw” ay magtatapos sa Lunes (March 15) sa pag­bisita sa Bongao, Tawi-Tawi.

Tiniyak din ni Abaya na ang resulta ng Reflective Dialogue ay isusumite sa peace panels ng pama­halaan at MILF na nagsa­sagawa ng peace negotiations sa Kuala Lumpur sa Malaysia.

Inilatag ni Dr. Ronald Adamat ang posisyon ng gobyerno sa peace talks habang si Dr. Gumba Poi­ngan ang nagharap ng panig ng MILF.

vuukle comment

DIALOGUE MIN

DIALOGUE MINDANAW

DR. GUMBA POI

DR. RONALD ADAMAT

KUALA LUMPUR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

OFFICE OF THE PRESIDENTIAL ADVISER

PEACE PROCESS

REFLECTIVE DIALOGUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with