MANILA, Philippines - Bahagyang kumalma ang init ng panahon kahapon matapos makaranas ng pag-ulan ang buong Luzon kasama ang Metro Manila dahil sa tinatawag na cold front.
Gayunman, sinabi ni Leny Ruiz, forecaster ng PAGASA, na light rain lamang ito at hindi makakatulong para tumaas ang level ng tubig sa dam dahil mababasa lamang nito ang lupa pero malaking tulong din para maibsan ang init.
“Pasalamat tayo at natapat ang cold front sa Pilipinas kaya nagka-ulan sa buong Luzon,” pahayag ni Ruiz.
Dahil panandalian lamang ang cold front kayat ngayong weekend ay balik na naman sa mainit na panahon sa Luzon.
Wala naman anyang dapat ipag-alala na acid rain ang pumatak na ulan kahapon dahil ito ay normal na ulan lamang at hindi ito epekto ng cloud seeding ng Department of Agriculture.
“Natural na ulan yan at walang epekto yan sa tao, yun nga lang maitim itim ang ulan na yan dahil sa polusyon,” dagdag ni Ruiz. (Angie dela Cruz)