Produktong may mercury kalat pa rin sa Maynila
MANILA, Philippines - Inalerto kahapon ng grupong EcoWaste Coalition ang Food and Drug Administration (FDA) matapos madiskubreng kalat pa rin umano sa ilang bahagi ng Maynila ang mga hindi rehistradong cosmetics products na may mercury content at una nang ipinag-utos ng Food and Drugs Authority (FDA) na alisin na sa merkado dahil sa panganib na dala nito sa mga consumers.
Tinukoy ng grupo na patuloy na itinitinda ang Jiaoli Miraculous Cream, Jiaoli Huichusu Special Cut Genuine, Jiaoli 2+17 days Clearing Facial Spots Suit at produkTong “Zhen de Shou” sa Binondo at Quiapo sa Maynila na malinaw na paglabag sa kautusan ng pamahalaan ukol sa inilabas na “recall order” sa mga ito.
“Our investigation shows that the mercury-tainted beauty products are being sold in Ongpin and Carriedo in brazen disregard of the FDA recall and seizure orders,” bahagi ng liham ni Aileen Lucero ng EcoWaste Coaltion kay FDA Director Nazarita Tacandong.
Sinabi nito na nadiskubre ang lantaran pa ring pagbebenta ng naturang mga produkto sa naturang mga lugar sa Maynila makaraang magsagawa ang kanilang grupo ng “public awareness activity”.
Patuloy na niloloko umano ng mga negosyante ang mga kababaihang Pinay na mapapaganda ang kanilang kutis ngunit ang totoo ay unti-unting nilalason ang kanilang kalusugan ng mapanganib na sangkap ng mga produkto. Kailangan umanong dumoble sa trabaho ang FDA at maging ang Department of Trade and Industry (DTI) na mistulang nagtutulug-tulugan sa trabaho. (Danilo Garcia/Mer Layson)
- Latest
- Trending