^

Bansa

'Morong 43' kulong pa rin

-

MANILA, Philippines - Mananatili pa rin sa kulungan ang tinaguriang “Morong 43” matapos na ibasura kahapon ng Court of Appeals ang kanilang petition for habeas corpus.

Sa 20 pahinang desis­yon ni CA Associate Jus­tice Portia Hormachue­los, sa san­daling masampa­han ng kaso sa korte ang isang tao ay hindi na nito maaring kuwestiyunin kapag nakapiit na siya sa pamamagitan ng paghahain ng petition for issuance of a writ of habeas corpus. Hindi umano maaring gamitin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus upang mapalaya sa sandal ing nasampahan na sila ng kaso sa korte.

Ipapaubaya na rin ni Hormachuellos sa Morong Regional Trial Court branch 78 ang pagdetermina sa legalidad ng pag-aresto ng AFP sa 43 health workers.

Ang Korte na rin umano ang bahalang magdesisyon kung ililipat ang mga ito sa Camp Crame.

Inaresto ang Morong 43 noong Pebrero 6, 2010 matapos silang akusahan ng militar na sumasailalim sa training para sa paggawa ng bomba at mga miyembro umano ng New People’s Army. (Gemma Garcia)

ANG KORTE

ASSOCIATE JUS

CAMP CRAME

COURT OF APPEALS

GEMMA GARCIA

HORMACHUELLOS

INARESTO

MORONG REGIONAL TRIAL COURT

NEW PEOPLE

PORTIA HORMACHUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with