Noli binuweltahan
MANILA, Philippines - Binuweltahan ng may 1,000 kasapi ng Maharlikans Center for Community Organizations (Maharlikans) si Vice President Noli de Castro dahil sa mga binitawan niyang salita na peke ang mga titulong tulad ng Titulo de Propriedad No. 4136 at Original Certificate of Title 01-4.
Ayon kay Daniel Frianeza, pangulo at executive trustee ng Maharlikans, lubhang walang basehan ang mga paratang ni de Castro dahil ang “OCT 01-4” ay sinusuportahan ng mga dokumentong pangkasaysayan, Court Orders and Decisions.
Noong April 2009, sinabi ni de Castro bilang Housing and Urban Development Coordinating Council chairman, ang titulong “OCT 01-4” ay “hindi na ginagamit sa alinmang land registration proceedings sa ilalim ngTorrens system.
Ang nasabing documentary ay tumatalakay sa kasaysayan ng Pilipinas kung paano natituluhan ang buong Pilipinas, kung kanino naipamahagi sa pamamagitan ng iba’t ibang Spanish title at ang pagproseso nito sa Torrens system na kasalukuyang ginagamit sa pagpapatitulo.
Ani ni Frianez, isang malaking pagkakamali ang naging pahayag ni De Castro sapagkat ang OCT 01-4 ay nagmula sa Titulo Propriedad de Terrenos, Royal Degree 01-4, isang Spanish title ay naging Torrens title noon pang 1904 na pinairal sa ating bansa noong Pebrero 1, 1903. (Doris Franche)
- Latest
- Trending