^

Bansa

Suporta bumuhos sa Ang Kasangga

-

MANILA, Philippines - Maraming organisas­yon at indibiduwal ang nangako ng suporta sa Ang Kasangga sa Kaun­laran, Inc. (Ang Kasangga) sa kampanya nito para sa sectoral representation sa Kongreso sa darating na May 10 elections. Ang pahayag ay ginawa ni Lito Trinidad, campaign manager ng Ang Kasangga, sa pagtatapos ng two-day National Assembly at Launching ng grupo kaha­pon na dinaluhan ng ma­higit sa 200 delegado na nagmula sa iba’t ibang rehiyon sa Best Western Astor Hotel sa Makati City.

Kasabay nito, pormal na nilagdaan ng mga dele­gado ng Ang Ka­sangga na binubuo ng mga regional, district at municipal coordinators kahapon ng umaga ang Manifesto of Unity, Cooperation and Support sa hangarin ng partylist na lumahok at makasambot ng isang puwesto sa Kongreso sa nalalapit na eleksiyon.“The cause and advocacy of Ang Ka­sangga will be better propagated and spread if the sector of micro-entre­preneurship represents will be given a chance to participate and seat in government through the party list system,” nakasaad sa Ma­nifesto.

Nauna rito ay nagpa­hayag ng suporta ang Visually Impaired Brotherhood for Excellent Services (VIBES), sa pa­ngunguna ng presidente nitong si Dante Tioson, at ang  11 iba pang organi­sas­­yon at micro-entrepreneurs sa Ang Kasangga upang kata­ wanin sila sa Kongreso.   

ANG KA

ANG KASANGGA

BEST WESTERN ASTOR HOTEL

COOPERATION AND SUPPORT

DANTE TIOSON

EXCELLENT SERVICES

KONGRESO

LITO TRINIDAD

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with