MANILA, Philippines - Handa na si Health Secretary Esperanza Cabral na patulan ang hamon ng Simbahang Katoliko na humarap sa isang debate sa isyu ng paggamit ng contraceptive partikular sa condom na ginawa umanong malaking isyu ang pamumudmod nito noong Valentine’s Day sa Dangwa flower market sa Sampaloc, Maynila.
Gayunman, sinabi ni Cabral na dapat maglatag ng rules o guidelines sa debate upang hindi ito umikot lamang sa usapin sa mga paniniwalang panrelihiyon dahil naniniwala siya na hindi naman dapat pagdebatehan ang aspeto ng paniniwalang relihiyon dahil may kani-kaniya umanong beliefs ang bawat religion.
Nais niyang ilatag ng naghahamong mga obispo ang terms of reference ng debate para maiprisinta niya ang kaniyang argumento.
Kung ang isyu naman umano ng pagiging epektibo ng condom, hindi umano dapat nang pagdebatehan dahil naisapubliko na umano ng scientific journals ng usapin. (Gemma Garcia)