Solon 'inilampaso'

MANILA, Philippines - Inilampaso ni dating Quezon Governor Eddie Rodriguez ang kanyang kalaban sa pulitika na si incumbent Congressman Danny Suarez sa pagka-kongresista sa ikatlong distrito ng lalawigan.

Sa isang media forum sa Maynila, ipinakita ng mga estudyante ng Quezon National Agricultural School -TESDA ang resulta ng kanilang isinagawang “mock” election noong Pebrero 26 kung saan ay panalo si Rodriguez laban sa kanyang katunggaling si Suarez.

Si Rodriguez ay nakakuha ng 70 persiyento ha­bang si Suarez ay 30 porsiyento lamang mula sa 100 na estudyante na sumali sa ‘mock’ election.

Si Rodriguez ay Officer ng Bondoc Peninsula Development na naging gobernador ng Quezon Province noong 1988 hanggang 1998 at dati ring Mayor ng bayan ng Macalelon.

Show comments