James Yap sama kay Noynoy sa Timog
MANILA, Philippines - Kahit umaarangkada pa rin sa mga surveys, tutulungan pa rin ng asawa ni Kris Aquino na si James Yap ang bayaw nitong si Senator Benigno “Noynoy” Aquino III ng Liberal Party sa pangangampanya nito sa Mindanao.
Sa kauna-unahang pagkakataon, sasama si Yap sa campaign sorties ni Aquino kalakip ang hangaring makuha ang suporta ng mga taga-Mindanao para sa kanyang bayaw.
Sisimulan sa Marso 10, magtutuloy-tuloy ang tatlong araw na kampanya na sasalihan ni Purefoods star player James Yap.
Susuyurin nina Aquino at vice presidential bet Mar Roxas II ang Mindanao sa hangarin na makabawi sa nasabilang lugar lalo pa at umangat si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada sa naturang rehiyon.
Naniniwala si Aquino na malaki ang maitutulong ni Yap sa kanyang kandidatura lalo pa at maraming fans ang Purefoods sa Philippine Basketball Association at isa sa de-kalibreng player ang bayaw nito. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending