^

Bansa

PASG umiskor vs diamond smuggling

-

MANILA, Philippines - Umiskor ang Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) kaugnay sa smuggling ng mga diamonds at iba pang alahas matapos ibasura ni Justice Secretary Agnes Devanadera ang naunang resolusyon na nag-dismiss sa kaso laban kay British national Siu Ting Alpha Kwok.

Sa resolusyon ni Sec. Devanadera, natuklasan nitong may probable cause upang kasuhan si Kwok ng paglabag sa Tariff and Customs Code of the Phi­lippines at paglabag sa National Internal Revenue Code.

Dahil sa resolusyong ito, pinawalang-bisa nito ang November 19, 2009 resolution ng DOJ prose­cutors na sina Pamela Lazatin-Escobar, Rohairah Lao-Tamano at Aldrin Evangelista na nagbabasura sa kaso ni Kwok na inaprubahan ni Chief State Prosecutor Jovencito Zuno sa rekomendasyon naman ni Assistant State Prosecutor Pedrito Rances.

Inatasan ni Devanadera ang bagong Chief State Prosecutor na sampahan ng kaukulang kaso si Kwok.

Itinuturing naman ni PASG chief Antonio Villar Jr., chairman din ng Dangerous Drugs Board, na isang malaking tagumpay ang naging desisyon ni Devanadera para sa kampanya ng PASG laban sa mga smugglers.

Ang mga nakumpiskang diamonds at iba pang jewelry kay Kwok ay nasa pag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Matatandaang agad umapela si Villar sa DOJ para sa automatic review ng kaso ni Kwok matapos ibasura ito ng DOJ prosecutors. (Rudy Andal)

ALDRIN EVANGELISTA

ANTONIO VILLAR JR.

ASSISTANT STATE PROSECUTOR PEDRITO RANCES

BANGKO SENTRAL

CHIEF STATE PROSECUTOR

CHIEF STATE PROSECUTOR JOVENCITO ZUNO

DEVANADERA

DRUGS BOARD

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

KWOK

NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with