^

Bansa

Tinga drug syndicate huhubaran

-

MANILA, Philippines - “Hubaran sila ng maskara!”

Ito ang matapang na binitawang salita ni Ilocos Norte 1st District Congressman Roque Ablan kahapon hinggil sa mga pulitikong napapaulat na protektor at hawak ng malalaking grupo ng sindikato ng droga sa bansa.

Ayon kay Ablan, chairman ng dangerous drugs committee ng Kongreso, makikipag-ugna­yan ang kanyang komite sa Philippine Drugs Enforcement Agency dahil ito ang may kumpletong talaan ng naturang mga pulitiko.

Idiniin ni Ablan na hindi dapat maimpluwensiyahan ng kahit na sino ang dikta ng batas dahil lalo lamang lumiliit ang tingin ng taong bayan sa hustisya sa ating bansa.

Ang pahayag ni Ablan ay bunsod ng pag-akusa ni PDEA Agent Jeffrey Roquero na iniimplu­wensiyahan diumano upang mapawalang sala sina Alberto, Fernando, at Allan Carlos Tinga sa kasong pagtutulak ng shabu.

Kasama si Roquero sa grupo ng PDEA na nagsagawa ng entrapment operation kina Alberto, Fernando, at Allan Carlos Tinga nuong July 11, 2007.

“A blanket denial would not suffice an ho­nest to goodnessinvestigation is required because of the gravity of the charges,” ani Ablan.

Sa kasalukuyan, pitong miyembro ng “Tinga Drug Syndicate” ang nasa records na ng mga awtoridad. Ito ay sina Noel, Joel, Fernando, Allan Carlos, Alberto, Bernardo at Hector Tinga.

Sinabi ng Kongresista na nararapat lamang na hanggang maaga ay matukoy na kung sino-sino ang politikong tumatanggap ng drug money kapalit ng pagtatakip at pagprotekta sa mga drug syndicate nang sa gayon ay agad na malaman ng taong bayan ang tunay na ha­ngarin ng mga tumatakbong kandidato. (Butch Quejada)

ABLAN

AGENT JEFFREY ROQUERO

ALBERTO

ALLAN CARLOS

ALLAN CARLOS TINGA

BUTCH QUEJADA

DISTRICT CONGRESSMAN ROQUE ABLAN

DRUG SYNDICATE

DRUGS ENFORCEMENT AGENCY

FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with