Ang Kasangga magdaraos ng 2-day national assembly
MANILA, Philippines - Magdaraos ngayon ang Kasangga sa Kaunlaran ng two-day national assembly at launching na dadaluhan ng mahigit 200 delegado bansa upang balangkasin ang kanilang plano para sa nalalapit na May 10 elections.
Sinabi ni Lito Trinidad, campaign manager ng Ang Kasangga, na magkakasama-sama sa national assemby ang mga formal at informal micro-entrepreneurs na karapat-dapat kilalanin para sa kanilang mahalagang kontribusyon at papel na ginampanan sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahan ding isusulong ng mga miyembro ng Ang Kasangga ang kampanya ng grupo para sa sectoral representation sa Kongreso sa May 10 elections upang patuloy itong makapagbigay ng formal at informal micro-entrepreneurs access, hindi lamang sa employment, kundi maging sa business enterprise na magpapaangat sa kanilang social at economic status.
Buhat nang itatag noong 2004, may 260,000 miyembro na ito mula sa iba’t ibang sektor, karamihan ay mga sari-sari store at market vendors, jeepney, bus, at tricycle drivers at operators, at small producers ng mga leather, furniture, at candies. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending