Edu di aatras

MANILA, Philippines - Walang atrasan!

Ito ang tiniyak kahapon ni Lakas-Kampi-CMD vice presidential candidate at actor at tv host Edu Man­zano.

Ginawa ni Manzano ang paniniyak para pabu­laanan ang kumakalat na balitang iaatras na niya ang kanyang kandidatura.

Inamin ni Manzano sa isang forum sa Defense Press Corps na, bagaman maliit ang pondong inilaan ng partido ng adminis­tras­yon para sa kaniyang pagtakbo, tuloy pa rin ang laban hanggang sa huli at hindi totoo ang mga nag­lalabasang balita na aatras na siya.

Nilinaw rin niyang hindi sila nagkakatampuhan ng katambal niyang si Lakas-Kampi-CMD presidential candidate Gilberto “Gibo” Teodoro tulad ng mga napapaulat.

Bilang patunay ay naki­ pagkamay siya kay Teodoro at tumabi rito habang tina­tanong ng mga mediamen sa iba’t-ibang isyu.

Sinabi ni Manzano na natural lamang aniya na sa bawat partido ay magka­roon ng mumunting hindi pagkakaunawaan pamin­san minsan pero maso­solusyunan naman ito.

Nabatid kay Manzano na kararating lamang niya sa bansa galing sa Hong Kong kung saan nangam­panya ito sa mga Overseas Filipino Workers.

Naunang ibinunyag ni Reli German, campaign manager ni Manzano, ang kawalan umano ng campaign funds ng actor para sa pangangampanya sa buong bansa kung saan ang nakukuha nilang suporta sa Lakas ay para lamang sa isang kandi­datong alkalde sa isang 3rd class na munisipalidad.

Idiniin din ni Teodoro na may sapat silang campaign funds upang susu­gan ang kanilang paglilibot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. (Joy Cantos)

Show comments