Power plant sa Cebu binuksan

MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Arroyo na malaking tulong upang matugunan ang kakulangan sa power supply sa Visayas ang pinasinayaan niyang 82-megawatt power generation unit na coal-fired power plant ng Cebu Energy Development Corporation sa Toledo City, Cebu.

Sinabi ni Pangulong Arroyo, sa sandaling matapos na ang nasabing coal-fired power plant ay malaking tulong din ito sa Mindanao at Luzon sa darating na panahon.

Magugunita na pinaboran ni Pangulong Arroyo ang panukala ni Energy Sec. Angelo Reyes na magdeklara ng power crisis sa Mindanao.

Samantala, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Charito Planas na nasa liderato pa rin ng Senado at Kamara ang pagkakaroon ng special session upang mabigyan ng emergency power si PGMA. (Rudy Andal)

Show comments