^

Bansa

'Kuta' ni Ping tukoy ng NBI

-

MANILA, Philippines - Tukoy na ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan nagtatago si Senator Panfilo Lacson subalit tiniyak nila na sa labas ito ng Pilipinas.

Sinabi ni Atty. Claro de Castro Jr., ng NBI-Interpol Division, na walang rekord o impormasyon na  si Lacson ay nasa Pilipinas na kaya nakapokus lamang sila sa paghahanap sa labas ng bansa dahil may impormasyon sila na nasa isang bansa si Lacson na pinuntahan niya matapos lumipat mula Hong Kong subalit hindi umano nila ito maaring ibunyag. Nang oras na iyon umano ay hindi pa naitatala sa Interpol Red Notice ang senador kaya hindi nakakilos ang may 188 bansa na miyembro ng Interpol upang siya ay dakpin.

Aminado ang NBI na kailangan pa nilang hintayin na kumilos o lumipat uli si Lacson upang madetect at mahuli sa entry o exit points ng alinmang bansang kaniyang pupuntahan subalit kung pipiliin umano na manatili lamang sa kaniyang pinagtataguan, matatagalan pa bago matukoy ang eksaktong lugar na pinaglulunggaan niya. (Ludy Bermudo)

AMINADO

CASTRO JR.

HONG KONG

INTERPOL DIVISION

INTERPOL RED NOTICE

LACSON

LUDY BERMUDO

NANG

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PILIPINAS

SENATOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with