Batanes 2 beses niyanig ng lindol

MANILA, Philippines - Dalawang beses niyanig ng lindol na may magnitude 5.0 at 4.7 ang Batanes kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), 9:44 ng umaga kahapon nang yanigin ang Batanes ng magnitude 5.0 kung saan nakaranas ng lakas ng lindol na intensity 4 ang Basco at Sabtang habang intensity 3 sa  Itbayat at Ivana, Batanes.

Una rito, may pagyanig na naramdaman sa lakas na 4.7 magnitude ang Batanes dakong 8:45 ng umaga kahapon na umaabot naman sa lakas na intensity 4 sa Basco.

Wala namang napaulat na naapektuhan sa insidente. (Angie dela Cruz)

Show comments