^

Bansa

Papin, Paredes pasok sa Bangon slate

-

MANILA, Philippines - Dalawang kilalang personahe na kabilang sa magkakaibang partido pulitikal ang lumipat na sa Bangon Pilipinas party ni Bro. Eddie Villanueva na kumakandidatong presi­dente sa halalan sa Mayo.

Ito ang inihayag ka­ma­kalawa ni Bangon Pilipinas Secretary Ge­neral Ted Pascua na nag­sabi na kabilang na sa ka­nilang mga kandi­datong senador ang si­nger na si Imelda Papin na dating kasapi ng Kilusang Bagong Lipunan at Zosimo Jesus Paredes na dating konek­ tado sa Ang Kapatiran.

Nilinaw ni Pascua na, bagaman masayang tina­tanggap ng Bangon Pili­pinas sina Papin at Pa­redes, mataas pa rin ang paggalang nila sa ibang par­ti­dong kalahok sa eleksyon.

Ipinaliwanag naman ni Papin na lumipat siya sa Bangon Pilipinas dahil si Villanueva lang ang naki­kita niyang kandi­datong presidente na maaaring magpabago sa bansa.

“Ito na ang magpapa­bago sa atin, na mag­karoon ng mamumuno na may takot sa Diyos. Iyan po ang kailangan natin para ang bawat Pilipino po ay magkaroon ng tamang direksyon. Si Bro. Eddie po ang aking na­kikita, kagaya po ng nakikita ng napakaraming Filipinos, na siya lamang ang tanging presidential candidate na makaka­pagbigay ng tunay na pagbabago dito sa ating bansa,” sabi pa ni Papin.

Sinabi naman ni Pa­redes na sumama siya sa Bangon Pilipinas “sapag­kat sa aking paniniwala at matinding palagay, ito po ang partidong makaka­tulong sa pag-angat at pagbangon ng Pilipinas mula sa kasukdulang ki­naroroonan nya ngayon.”

vuukle comment

ANG KAPATIRAN

BANGON PILI

BANGON PILIPINAS

BANGON PILIPINAS SECRETARY GE

EDDIE VILLANUEVA

IMELDA PAPIN

KILUSANG BAGONG LIPUNAN

PAPIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with