'Morong 43' ililipat sa PNP
MANILA, Philippines - Inirekomenda na ni outgoing AFP Chief Gen. Victor Ibrado na paglilipat ng kustodya ng “Morong 43” sa Philippine National Police.
Ang Morong 43 ang mga inarestong umano’y opisyal at tauhan ng mga rebeldeng New People’s Army sa isang private resthouse sa Morong, Rizal noong Pebrero 6, 2010.
“As far as the AFP is concerned, the Chief of Staff has already recommended that the 43 be transferred to the custody of the PNP, yung ang pinaka-immediate na plano,” ani AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr.
Pero nilinaw ni Brawner na dahil may nakabimbin pa ring kaso laban sa Morong 43 ay hihintayin nila ang desisyon ng korte ukol sa planong paglilipat ng kustodya sa mga inarestong suspect.
Sakaling pahintulutan ng korte ang pagsasalin sa kustodya ng Morong 43 ay ikukulong ang mga ito sa Rizal Provincial Jail sa Taytay, Rizal. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending