MANILA, Philippines - Matapos mabunyag ang P20 milyong payola, nangangamba ngayon ang ilang opisyal ng Bureau of Customs, mga importers at brokers na baka sila ang mapagbuntunan ng galit dito.
Bunsod ng isyung naglabasan sa ilang pahayagan, nanggagalaiti umano sa galit ang tinaguriang ‘batman-and-robin’ sa Aduana na sina alyas Niel G at Larry P na nagpapakilalang kolektor diumano ng isang kilalang pulitiko na ngayon ay tumatakbong senador sa nalalapit na Mayo 10.
Ayon sa source, nanggagalaiti diumano itong si Niel G matapos mabuny-ag ang kanilang kolek-syon at nagbanta na ipasisibak ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa kanilang payola. Nag-aalala diumano ang mga kinokolektahan ng dalawa na baka sila ang mapagbalingan nitong sina ‘batman-and-robin.
Batay sa impormasyon, masyado na umanong nahihirapan ang bawat tinokahan ng dalawa dahil kailangan nilang maibigay ang P20 milyones na gagamitin diumano para sa kampanya. (Butch Quejada)