Condom ads pinapa-ban
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng isang kalatas ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na umaapela para sa pagba-ban ng condom advertisements sa mga telebisyon, radio, pelikula, pahayagan, magazine at mga pampublikong lugar.
Nakasaad sa kalatas ng CBCP, na nilagdaan ng pangulo nitong si Tandag Bishop Nereo Odchimar, dapat lamang na tuluyan nang ipagbawal ang mga condom ads dahil nakakaapekto umano ito sa sensitibong kaisipan ng mga kabataan.
Hinikayat rin naman ng CBCP ang pamahalaan na atasan ang mga gumagawa ng condom na lagyan ng Government Warning, na “Condoms may fail to
protect from AIDS and other sexually transmitted diseases,”ang pakete ng kanilang produkto tulad ng ipinapatupad ng mga ito sa mga produktong tobacco (“Cigarette smoking is dangerous for your health”),
mga alcoholic beverages (“Drink moderately) at mga herbal medicine (“No therapeutic claims”).
Una nang uminit ang sigalot sa pagitan ng DOH at ng Simbahan matapos na magpamigay ng libreng condom ang ahensiya sa Dangwa noong Valentine’s Day. (Mer Layson)
- Latest
- Trending