^

Bansa

Kapag pinagretiro si Gen. Ibrado: Dayaan sa Mayo 10 ibinabala

-

MANILA, Philippines - Nagbabala ang ilang opisyal ng sundalo, pulitiko at ilang presidentiable sa maaring mangyaring dayaan sa eleksyon sa Mayo kapag pinagretiro si Armed Forces Chief of Staff Victor Ibrado sa Marso 10.

Marami ang nanana­wagan kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na huwag munang iretiro si Ibrado at bigyan muna ng tatlong buwan hanggang matapos ang eleksyon at ang susunod na pangulo na lamang ng bansa ang siyang magtatalaga ng kapalit nito.

Ayon sa mga retired generals na ayaw ipabanggit ang mga pangalan, malamang magkaroon ng mga worst case scenarios na maa­ring maganap bago o sa eleksyon at para hindi mangyari ang pinangangambahan ay dapat huwag munang palitan si Ibrado.

Maraming pulitiko ang nagtitiwala sa kakayahan ni Ibrado sa militar. 

May senaryo rin daw nangyayari ngayon dahil kinukundisyon ang mamamayan sa power crisis kaya ang sinisisi dito ay ang El Niño phenomenon.

Ayon sa mga retired general, ipipilit umano ni Pangulong Arroyo na palitan si Ibrado ni Philippine Army Chief Delfin Bangit na sinasabing saradong bata ng una.

Si Bangit ay sinasabing loyal soldier ni Arroyo at kung ito ang magiging Chief of Staff ng AFP ay maaring magamit ang sandatahan lakas sa election. (Butch Quejada)

ARMED FORCES CHIEF OF STAFF VICTOR IBRADO

AYON

BUTCH QUEJADA

CHIEF OF STAFF

IBRADO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE ARMY CHIEF DELFIN BANGIT

SI BANGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with