^

Bansa

Proteksyon sa bagwoman hingi

-

MANILA, Philippines - Humihingi ng proteksyon sa Philippine National Police ang self confessed jueteng bagwoman na si Sandra Cam, isa sa whistleblower sa payola scam na inimbestigahan ng Senado noong 2005.

Naalarma si Cam sa pananambang at pagkakapatay sa kasamahan nitong whistleblower sa Senado na si Wilfredo ‘Boy “ Mayor na nagbun­yag sa umano’y pagtanggap ng ‘jueteng payoffs’ mula sa jueteng at iba pang illegal number game ng ilang kaanak ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“Humingi na ako ng security escort, pero hindi pa umaaksyon ang PNP dahil nasa ilalim daw sila ng kontrol ng Comelec ngayong election period,” ani Cam.

Nitong Linggo ng umaga ay pinagbabaril  sa Pasay City si Mayor na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.

Nabatid na si Cam ay may pag-aaring eskuwelahan sa Cavite kaya madalas itong bumiyahe galing sa Masbate.

Magugunita na sa Senate inquiry noong 2005 ay ibinulgar ni Cam na siya ang collector ng jueteng payoffs na idine-deliver niya kay presidential son at Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey’ Arroyo at Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy “ Arroyo, kapatid ni First Gentleman Jose Miguel Arroyo na kapwa itinanggi ang akusasyon na umano’y paninira lamang sa Unang Pamilya. (Joy Cantos)

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL ARROYO

JOY CANTOS

JUAN MIGUEL

NITONG LINGGO

OCCIDENTAL REP

PAMPANGA REP

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PASAY CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANDRA CAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with