^

Bansa

Ping sinubpoena sa kidnapping

-

MANILA, Philippines - Sinubpoena na ng Department of Justice para sa susunod na preliminary investigation sina Senator Panfilo “Ping” Lacson at iba pang miyembro ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force para sa kasong kidnapping at serious illegal detention na inihain ni Mary Rose Ong akyas Rosebud.

Sa inisyung subpoena ni State Prosecutor George Yarte Jr., itinakda ang pagdinig sa Marso 11.

Kabilang sa pinagbatayan sa kasong kidnapping at serious illegal detention ang sinum­paang salaysay nina Ong at Remis Garganera ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines at anim na iba pang nagtuturo sa mga miyembro ng PAOCTF na responsable umano sa pagdukot sa dalawang Chinese nationals na pinaghinalaang miyembro ng drug ring na sina Chong Hiu Ming at Wong Kam Chong noong Disyembre 30, 1998 at Marso 26, 1999 nang si Lacson ay hepe pa ng PAOCTF. (Ludy Bermudo)

CHONG HIU MING

DEPARTMENT OF JUSTICE

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

LACSON

LUDY BERMUDO

MARSO

MARY ROSE ONG

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

REMIS GARGANERA

SENATOR PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with