MANILA, Philippines - Kinondena kahapon ni Puwersa ng Masang Pilipino senatorial candidate Joey de Venecia ang pagpaslang sa jueteng whistleblower na si Wilfredo “Boy” Mayor na nagbunyag sa anomalya sa isang government contract sa Bicol bago ito pinatay kamakalawa.
Sinabi ni De Venecia na isa lamang si Mayor sa mahaba-habang listahan ng mga pinatay na whistleblowers at crusading journalists na lumalaban sa malawakang graft and corruption at kawalang hustisya sa bansa.
Sinabi ni De Venecia na kapag nahalal siyang senador, isa sa magiging bahagi ng kanyang orders of business ang bagong batas na magsisiguro sa proteksyon sa mga whistleblowers, mapatunayan ang alegasyon at maparusahan ang mga may sala.
Idiniin pa nito na kailangang marebyu ang Witness Protection Program upang masiguro na sapat ang ibinibigay na proteksyon sa pagkakakilanlan at mahigpit ang ibinibigay na seguridad sa buhay ng mga hawak nitong testigo.