^

Bansa

Blackout

- Angie dela Cruz, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ilang bahagi ng Metro Manila at Luzon ang dumanas ng dalawa hanggang tatlong oras na blackout kahapon dahil sa pagkasira ng power plant sa Sual, Pangasinan at Masinloc, Zambales na na­bigong magsuplay ng sapat na kuryente sa Luzon grid.

Ayon sa Manila Electric Company, inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines na magkakaroon ng rotational brownout kahapon ng Lunes sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga at alas-10:00 ng gabi dahil nagkaroon ng boiler tube leak sa Sual 1 at Masinloc.

Kabilang sa naapektuhan ng blackout ang Las Piñas, Makati, Malabon, Parañaque, Quezon City, Valenzuela, Muntinlupa, Pasig, Pateros, Taguig at Manila.

Nabatid kay Meralco spokesman Joe Zaldiarraga na puputulin nila ang suplay sa ilan nilang service area batay sa dami ng dumarating na suplay ng kuryente.

Saklaw ng Meralco ang 25 lunsod at 82 bayan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, ilang bahagi ng Laguna, Quezon, at Batangas at 17 barangay sa Pampanga.

Sinabi naman ni NGCP senior adviser to the president Jesusito Sulit na maaa­ring tumagal ng limang araw ang brownout dahil sa problema sa Sual at Masinloc.

Tiniyak din ng Department of Energy na babalik sa normal ang suplay ng kuryente sa Luzon at Visayas sa loob ng limang araw.

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

JESUSITO SULIT

JOE ZALDIARRAGA

LAS PI

LUZON

MANILA ELECTRIC COMPANY

MASINLOC

MERALCO

METRO MANILA

SUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with