Human traffickers pinigil ng BI
MANILA, Philippines - Iniutos ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang mahigpit na pagmomonitor sa lahat ng daungan sa Southern area kabilang ang Zamboanga at iba pang point of entry at exits sa bansa.
Ang pagtutok ay bunsod ng natuklasang paggamit ng mga sindikato ng human trafficking sa Zamboanga port para makapagpuslit ng mga undocumented overseas Filipino workers (OFWs) palabas ng bansa.
Kaugnay ito ng naharang na 16 na pasahero ng Bureau of immigration kamakailan, sa tangkang pagpuslit patungong Sandakan, Sabah, Malaysia ng walang mga kaukulang dokumento na isinakay sa M/V Danica Joy 2. Nabatid kay BI-Zamboanga alien control officer Sitti Rubiana Lutian, dumating sa Zamboanga port ang 16 na pasahero sakay umano ng magkakahiwalay na flight mula sa Maynila bago nagtungo sa nasabing barko.
Agad namang nagbigay ng direktiba si Libanan sa mga tauhan ng BI Zamboanga port na manatiling nakaalerto dahil sa posibilidad na patuloy pa ring mag-operate ang mga sindikato gamot ang Southern backdoor matapos silang higpitan sa operasyon nila noon gamit ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending