^

Bansa

3 Pinoy kinasuhan sa US ng arms trafficking

-

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kaso sa Estados Unidos ang tatlong Pinoy hinggil sa umano’y tangkang pagpupuslit ng mga kagamitan para sa pagbuo ng malalakas na kalibre ng armas.

Ang tatlong Pinoy na sina Tirso A. Aguayo, 56; Mike Cabatingan, kapwa mula sa Los Angeles at nasa kustodya ng Federal Authorities habang pinaghahanap naman si Romulo Reclusado, 59, dating may-ari ng isang gun store sa Pilipinas at ngayon ay wanted sa batas, ay kinasuhan ng paglabag sa International Arms Trafficking Laws dahil sa umano’y pagsasabwatan para makapag-angkat ng mga armas at iba pang kagamitan patungong Pilipinas. Lumabag din ang mga ito sa Arms Export Control Act at International Emergency Economic Powers Act.

Nagsabwatan umano ang tatlong Pinoy sa pagpapadala ng 250 AR-15 receiver forgings at 11 rifle sights sa Pilipinas noong Marso at Mayo 2005 mula sa tatlong shipment at dalawa dito ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila.

Kabilang sa mga nakumpiska at tangkang ilabas sa US ay ang mga kagamitan sa pagbuo ng AR-15 assault rifles at holographic rifle sights nang walang kaukulang permit o lisensya. (Ellen Fernando)

ARMS EXPORT CONTROL ACT

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

FEDERAL AUTHORITIES

INTERNATIONAL ARMS TRAFFICKING LAWS

INTERNATIONAL EMERGENCY ECONOMIC POWERS ACT

LOS ANGELES

MIKE CABATINGAN

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with