^

Bansa

Dagdag na police visibility hingi sa Maynila

-

MANILA, Philippines - Hiniling ng mga pu­nong-barangay ng May­nila kay National Capital Region Police Office Director Roberto Rosales na mag­karoon ng karag­dagang police visibility at intervention sa lungsod matapos na ilang resi­dente ang ginigipit umano ng mga kawani ng City Hall.

Nakalagda sa liham na ipinadala kay Rosales ang mga punong barangay na sina Violeta Candelaria ng Dist. 1, Brgy. 8, Zone 1; Jorge Limqueco ng Dist. 4, Brgy. 489, Zone 48; Vero­nica Buenaventura ng Dist. 2, Brgy. 156, Zone 14, Virginia Eliza ng Dist. 5, Brgy. 704, Zone 77, Danilo C. Aquino ng Dist. 3, Brgy. 385, Zone 19, at; Francisco Blanco ng Dist. 6, Brgy. 507, Zone 69

Ayon sa kanila, pinag-iinitan ng mga tao ng City Hall ang mga sumusuporta sa kandidatura ng nagba­balik na alkalde ng Maynila na si Jose “Lito” Atienza Jr.

Idinagdag nilang ang mga DPS employees ng City Hall ay nag-iikot-ikot maging sa loob ng bakuran ng mga residente at bina­baklas ang mga information materials ni Atienza.

Mayroon din umanong mga namataang mga kalalakihang sakay ng motorsiklo na iniikutan ang mga supporter ni Atienza at may ilan nang naka­tang­gap ng banta sa kanilang buhay.

ATIENZA

ATIENZA JR.

BRGY

CITY HALL

DANILO C

FRANCISCO BLANCO

JORGE LIMQUECO

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR ROBERTO ROSALES

SHY

VIOLETA CANDELARIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with